Mar 22, 2011

SIGAW NG KALIKASAN



Huni ng mga ibon,

Yapak ng tao,

PAlakpak ng dahon,

Mga tunog na kailanmay di na magbabago

Tilaok ng manok

Tahol ng aso

Ngiyaw ng pusa

himig ng hangin

Sigaw ng kalikasan

atin bang naririnig?

Tayong mga tao

totoong abusado

madalas inaabusado

kalikasan sa mundo.

Tapon dito, tapon doon

Walang pakialam sa resulta nito

Kailan ba matatapos ito?

Tanong ng kabataan madalas ay ito,

"Anong matitira sa'min pgadating ng panahon>

Amin pa bang masisilayan kagandahan nitong mundo?"

Pagsusunog, pagpuputol,

Pagpatay ng kalikasan

TIGILAN ito,

"HUSTISYA" pairalin ito!

Kalikasan ating alagaan

Nang may matira pa

Sa ating kinabukasan!.

No comments:

Post a Comment