Mar 24, 2011

SALAMAT HA?


A NEW YEAR TRIBUTE TO MY MOST AWESOME FRIENDS.
 


Salamat sa tulong at saya pati na rin sa mga alaala
Ang 2010 ay hindi magiging maayos at maligaya
Kung hindi dahil sa tulong mong nagbigay pag-asa
Salamat ha? Kasi hindi mo ako pinaasa
At sinamahan mo ako hanggang sa dulo ng kalsada.

Kadalasa'y hindi ko maiwasan
Ang magkamali at minsa'y mang-iwan
Pero salamat ha? Kasi lagi ka pa ring nandiyan
Para ako'y samahan sa oras ng kabiguan.

Maikli lang ang buhay para ito'y sayangin
Maikli lang ang buhay dapat ito'y lubusin
Kaya ngayon palang salamat ha?
Sa pagbasa nitong tulang aking ginawa ..
Hindi man kagandahan pero ito'y dibdiban
Galing sa puso't ginawang tapatan.

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON MGA AMIGO! :)

No comments:

Post a Comment