SA IYONG PAGLISAN
Mundo ko'y tila gumuho
Nung ako'y iyong nilisan
Hinarap bawat pagsubok, Bawat kalungkutan,
Nang nag-iisa lang
Sa iyong Paglisan, Ika'y madaming iniwanan,
Mga alaalang sadyang mahirap kalimutan ng mga taong iyong tinulungan
At binigyang Kasiyahan.
Aking kaibigan,
Kahit nasan ka man
Sana kami'y iyong di kalimutan
Hanggang sa pagputi ng uwak
at maging sa pag balng ng araw
No comments:
Post a Comment