this is a blog for all of Nadine's write-ups, scripts and poems. All in Tagalog, all personal.
Mar 22, 2011
ANG IMPORTANSIYA MO
Kung ako ang tatanungin mo
kung ano ang importansiya mo sa buhay ko
Ito lamang ang maisasagot ko
Para sa iba ikaw ay basura at patapon na
Ngunit para sa'kin Ikaw ay isang gintong dapat pahalagahan
at bigyan ng importansiya
Walang oras na hindi dumadampi,
ang napakaganda mong nukha sa isipan ko
walang minuto na hindi nagpapakita,
ang maganda mong ngiti sa utak ko.
Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya
Pag ako ay nasa piling mo.
Lahat ng magagandang alaala nating dalawa
Ay lubos na nagpapagalak sa damdamin ko.
At ang pagkakahiwalay nating dalawa,
Ay lubos na nagpapaluha sa mga mata ko.
Sayang nga alang at tayo'y nagkawalay na
At sa tingin ko'y di na muling magkikita pa,
ngunit ipinangangako ko sa iyo
Hanggang sa huling tibok ng puso kong ito,
Ikaw pa rin ang laman nito.
At sa pinakahuling minuto ng pag-andar ng utak ko,
Lagi mong tatandaan na mga alaala pa rin nating dalawa ang nasa loob nito.
Alam kong ito'y isang simpleng tula,
Simpleng tula na aking ginawa,
na hindi maiintindihan ng sinuman,
kundi ikaw lamang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment