this is a blog for all of Nadine's write-ups, scripts and poems. All in Tagalog, all personal.
Mar 22, 2011
DESPERADO
Nung una kitang makita
Akala ko'y ika'y malungkuting bata,
May galit sa mundo
at walng kinikilala kahit sino,
Nung nalaman ko ang kwento ng buhay mo
Ako'y nalungkot sa laman nito,
Kaya sinikap kong malapitan ka,
Nang mapatawa ka kahit minsan,
Nang kalaunan tayoy naging magkaibigan
At nakilala kita ng libusan
Doon ko naramdaman
ang pagtinging di ko maipaliwanag
Nagkaroon ka ng mga kaibigan
Na nagpasaya sayo ng lubusan
Kaya ako'y masaya
Kahit ako'y nasasaktan.
Simula sa umpisa,
alam kong imposibleng maging tayo
Simula sa umpisa alam kong imposibleng magustuhan mo ko,
Kaya alam kong
Hanggang kaibigan lang ako
PARA SA'YO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment