this is a blog for all of Nadine's write-ups, scripts and poems. All in Tagalog, all personal.
Mar 22, 2011
NAPAKASAKIT
Napaksakit umibig sa taong di ka kayang ibigin,
Napakasakit umbig sa taong salawahan,
Pero mas masakit umibig,
Sa taong di ka kayang ipaglaban,
Puso ko'y namanhid pagkatapos kong masaktan,
Sa isang pangyayaring di ko inaasahan,
Dahilang Nagtulak sa'king di na umibig ng tuluyan.
Dumating ka sa buhay ko niligawan mo ako,
Kahit di kita mahal,
ika'y sinagot ko at naging tayo,
di nagtagal ako'y nahulog na sayo
Inibig ka at nagkaroon ng importansiya sa buhay ko.
Dumating ang problema
Akala ko'y malalampasan na natin to
ngunit hindi naman pala, mangyayari ang inaakala ko.
Hiniwalayan kita
nakipagbalikan ka,
Inayawan kita dahil duwag ka
Naiinis ako dahil nakilala kita,
Naiinis ako dahil inibig kita,
Naiinis ako dahil duwag ka
Nasasaktan ako sa lahat ng kamalasang aking natamo ng dahil sa iyo,
Nasaktan ako dahil di mo ako kayang ipaglaban
At nasaktan ako dahil minahal pa kita.
Ngayon tuloy pa rin ang kwento ng buhay ko
Tapos na ang lahat sa atin,
Kaya wala ng ag-asa pa,
Ayokong maging tanga,
Kahit ako'y masaktan pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment