LIHIM NA PAGTINGIN
Nung una kitang makita
Ako'y may naramdaman na kakaiba,
Nang mapatawa kita ako'y may naramdamang kasiyahan,
Sa puso kong sinta.
Sayang at hanggang tingin lang ako sa'yo,
Walang pag-asang maging tayo,
Dahil sa hitsura kong ito,
ako'y imposibleng magustuhan mo,
Kada oras na may kasama ka,
Ako'y napapangiti sa saya,
Dahil alam kong masaya ka sa piling niya.
Kahit kasiyahan ko isasakripisyo ko,
Para lang sa'yo
Dahil ikaw ang mahal ko,
At yan ang totoo.
No comments:
Post a Comment