credits for my holy spirit classmates and friends who helped me debate against my ownself in order to have an argument in this balagtasan. thanks also to my groupmates who were very cooperative in accomplishing this presentation.. LOVE you all! :D
i made this balagtasan piece for our filipino subject on my first semester in college, it was a nice presentation, i made it for 3 straight days, making tagalog poems is one of my favorite hobbies.. its fun rhyming words.. there are two parts.. if you understand and LOVE tagalog languange... read it! :)
GENDER BIAS SA ENGINEERING: DAPAT O HINDI DAPAT
BY-NADINE MARIE SILVA
LAKANDIWA:
Magandang hapon po ang sa inyo’y isasambulat
Nitong makatang sa inyo’y nakatayong marilag
Narito po kami upang sa inyo’y ihayag
Ang isang Balagtasang makwela at nagbabaga
_________ po ang sa inyo’y bumabanat
Magiliw na nagpupugay, bumabating walang puknat.
Dito’y ako’ng tag-hatol, lakandiwa po ang tawag.
Mabait na lakandiwa’y, ang matalo’y bitay agad.
Hindi pantay na pagtingin dapat o di dapat pairalin
Para sa mga estudyanteng nag-aaral ng Engineering?
Nasabing kurso’y sa lalaki lang dapat isalin?
Iyan ang paksa na ngayo’y ating sisisirin.
Kahit na may kabigatan ang napili nating paksa
Mabibigat din po naman ang makatang magbabangga
Mga Prinsipe at Prinsesa pos a larangan ng pagtula
Palakpakan sila habang lumalapit papagitna.
DAPAT: (LALAKI)
Maaliwalas na paligid ang sa ati’y nakatunghay
Tila ba umaayon sa ihahayag kong patunay
Na dapat pairalin ang pagtinging di pantay
Sa mag-aaral ng Engineering na talagang mahuhusay.
Sa akin pong katunggali na may kagandahan
Ihanda ang sarili at ang isip tasahan
_____________ iyong lingkod sa harapan
Buong galak na nagpupugay ng tuwa sa tanan
HINDI DAPAT: (BABAE)
Matayog na pangarapin kalimita’y di matupad
Katulad ay lakbay – diwang sarili’y di umaangat
Diyan kop o ihahambing ang binata kong katunggali
Dilat ang mata pero nananaginip ng gising
Ako’y isang babae na maraming kakayahan
Kaya’t di pantay na pagtingin ay aking inaayawan
___________________ po, nagpupugay, buong giliw
Sa lahat ng kababayang katulad ko ang hangarin
LAKANDIWA:
Mukhang handang-handa na ang dalawang makata
Hindi na papaawat ang mga kaataman
Sa unang tindig, si _____ ating pagbigyan
Upang mas lalong ganahan, palakpakan atin pong bigyan
DAPAT:
Sa inhinyerya ang Gawain ay mabibigat
Na kailangan ang taong sapat nga sukat
Sukat na tanging sa lalaki lamang magsisiwalat
At hindi kayang pantayan ng mga kababaihan.
Sa isang tingin pa lang ay ating mababantayan
Ang kaibahan ng kalalakihan sa kababaihan
Kurbada ng katawan ay higit na magsasabi
Sa kapasidad ng tao sa paggawa at paghabi
Kulturang Pilipino’y isa sa mga saksi
Na ang inhinyerya’y para lang sa lalaki
Pagkat panahon mismo noon ang nagsasabi
Na ang inhinyero’y sa lalaki at wala sa babae
At ngayon sa katunggali kong kahidwa at kabangay
Sa panig pong tinutugon ay huwag malimutan
Inhinyera’y talagang angkop lang sa kalalakihan
Pagka’t sa pisikal na anyo palang, talbong na ang kalaban
LAKANDIWA:
Maliwanag na nagsaysay ng katwiran ang makata
Binata pa pong tunay, gwapo’t batambata
Ang kalaban niya pong dalaga ang siya naming tutudla
Palakpakan din po’t dinggin, tingnan kung may binatbat nga!
HINDI DAPAT:
Gwapo ang katunggali ko, ang pangit lang ay ang matuwid
Tila yata ang kakayahan ng babae’y minamaliit
Huwag limutin na ngayon tayo’y nasa panahon
Kung saan lahat ay bago ang nakalipas tinatapon
Ginawa tayo ng Diyos na pantay-pantay
Angkop sa Kanyang histura at binigyang buhay
Kaya’t inhinyera’y kaya rin ng kababaihan
Di lamang sa utak maging narin sa katawan
Sa inhinyera’y higit na nangangailangan
Ng mga tauhan na maraming kaalaman
Kaalaman di lamang sa Matematika
Kundi pati narin sa paraang gramatika
Balanse sa mundo’y higit na kailangan
Kung wala ang babae paano na lang ang kalalakihan?
Kaya’t ikaw lalaki ay magdahan-dahan
Sapagkat di mo pa alam kung paano ako lumaban.
LAKANDIWA:
Para lalong magkaigi ang dalawang nagtatalo
Hahayaan ko na silang magbanatan ng husto
Kayo namang nakikinig dito sa istudyo
Ipabaon sa kanila’y palakpakang todong-todo!
DAPAT:
Ang sa akin lamang mahal na kagandahan
Ayoko lang pahirapan ang mga kababaihan
Dahil ang kursong ito’y medyo may kabigatan
At mabilisang nagagawa ng mga kalalakihan
Panahon ngayon ay may kabilisan
Kaya trabaho’y dapat gawin ng mabilisan
Gawain na ganyan, medyo nahihirapan
An gating mga kapatid na kababaihan
HINDI DAPAT:
Ang amin pong ginagawa’y hindi kabagalan
Kundi isang pagtiyak na tama ang aming daan
Upang matiyak na wala nang babalikan
Kapag kami na’y sumulyap sa aming nilakaran
Metikoloso ang mga babae yan lang ang dapat
Di lang sa kasuotan kundi pati narin sa paglapat
Paglapat ng disenyo at mga utos sa tauhan
Upang siguradong wala nang kamalian
DAPAT:
Pero tignan ang mga mag-aaral sa matimatikong klase
Di ba’t mas matalino ang lalaki kaysa babae?
Tunay lamang sa atin ay sinasabi
Na mas kritikal mag-isip ang mga lalaki.
HINDI DAPAT:
Hindi lang naman sa matekmatiko umiikot lahat
Ang pakikipag-usap aralin din dapat
Ang tamang paggawa ng masinsinang pag-uusap
jan magaling ang mga kababaihan
DAPAT:
Ngunit higit itong angkop sa mga lalaki!
HINDI DAPAT:
Pero kaya rin naman ito ng mga babae!
DAPAT:
Hindi sa lahat ng aspeto!
HINDI DAPAT:
Hindi sa paniniwala ko!
LAKANDIWA:
Puputulin ko na ngayon ang pagdada niyong dalawa
Pumirmi muna kayo’t ako naman ang poporma
Kababayan, kung sakaling kayo’y nandyan pa,
Pwede po bang humiling ng palakpak na sagana?
Sinong dapat na tanghaling kampeon nitong balagtasan?
Walang dudang kapwa sila magagaling mangatuwiran
Kaya ito ang aking pasya: Silay patas, tabla lamang
Muli natin paulanan, malutong na palakpakan!
No comments:
Post a Comment