Kada araw na katabi kita,
Mundo ko’y parang guguho sa saya
Kada ngiti ng iyong mga labi pag tayo’y magkasama,
Katawan ko’y parang sasabog sa kilig.
Sayang nga lang at hindi ko masabi sa’yo ang tunay kong nadarama,
Dahil ako’y nangangamba na ika’y lumayo sa’kin sinta
Sana ikaw ay may nadaramang pag-ibig rin sa’kin,
pag-ibig na mas higit pa sa pagkakaibigan natin.
Sana kahit minsang bigyan mo ng pansin ang nadarama ko sa’yo,
Kahit hindi ko sabihin,
Sana ito’y iyong nararamdaman.
No comments:
Post a Comment