by: nadine marie silva
Lakandiwa:
Isang mapagpalang araw ang malugod na handog ko.
Sa lahat ng Pilipinong nasa silid na ito
Isang Balagtasan ang handog naming sa inyo
Kaya’t kami po ay naririto sa harapan ninyo.
______________ po sa inyo ngayo’y bumabati
Gumagalang na maluwalhati at sa inyo’y nagpupuri
Lakandiwa po inyong lingkod ang ngayo’y tagahatol
Sa mga tauhang ngayo’y magsasabong
Hindi pantay na pagtingin sa dalawang kasarian ng Engineering
Dapat bang pairalin o ito’y dapat ng patigilin?
Iyan ang paksa na ngayo’y ating gigisahin
Kasama ang dalawang makata na nasa aking gilid.
Palakpakan natin sila ng buong giliw
Dapat:
Nakakaakit na paligid kay gandang tignan
Tila ba umaayon sa ating usapan
Na dapat pairalin ang di pantay na pagtingin
Sa pagitan ng dalawang kasarian sa kursong Engineering
Sa aking katunggali na aking titirisin
Ihanda ang sarili at sa akin matakot din
______________ po ang binatang magiting
Buong galak na bumabati ng magandang hapon din.
Hindi Dapat:
Huwag mangarap ng gising, o aking giliw
At baka sa aking kagandahan ika’y mahumaling
______________ po kung inyong nanaisin
Na malaman ang pangalan nitong magandang binibini
Pantay na pagtingin akin pong pinaglalaban
Para sa kasariang madalas kinakawawa
Ito’y sapagkat ako’y naniniwala na tayong lahat ay pantay na ginawa
L:
Mukhang handa nang tumuka ang dalawang makata
Hindi na papaawat ang kanilang mga salita
Sa unang tindig, si _____________ muna ang magsasalita
Upang ganahan, isang palakpakan ating ikawala
D:
Hindi pantay na pagtingin ating dapat pairalin
Sapagkat ako’y naniniwala na may kasariang magiting
At ang kabaliktara’y isang kasariang mahinhin
Isang katotohanang matagal ng naninimdim
At ito’y hindi na natin kailangan pang sisirin.
Kalalakiha’y higit talagang nakaaangat
Kung ang pag uusapa’y tungkol lang sa Math
Sapagkat ang lalaki’y mas may ibabatbat
Kaysa sa kababaihang madalas ay kulelat
L:
Isang pahayag na maliwanag at maanyaya
Ang sa ati’y ibinigay ng gwapong binata
Ngayo’y atin naman ibigay ang entablado sa dalaga
Na kanina pa maingay at gusting tumula.
HD:
Kalalakihan natin madalas na minamaliit
Kakayahan ng babae na kanilang sinasambit
Aba kanilang nakalimutan saan sila noon sumasabit
Hindi ba’t sa palda ng nanay nakakublit?
Kung Math ang pag-uusapan babae’y may ilalaban
Ako’y may kakilala, baka gusto mo ng tagisan?
Huwag kang mag-alala, hindi nila malalaman
Na ikaw ay natalo ng kababaihan
Nakakaawa ka naman kasi kung titignan
Kapag tungkol doon ay kanilang nalaman
Baka iyong dignidad ay iyong malimutan
At ikaw ay bumalik sa palda ng iyong magulang
L:
Ang babae nga natin talagang palaban
Hindi papaawat sa kahit anong laban
Ngayon ay gusto ko ng sila’y hayaan
Upang mas lalo pang sila’y magkaliwanagan
Kayong mga nakikinig dito sa tanghalan
Hangga’t maari sila ngayo’y palakpakan
Para naman kanila ring malaman
Na tayo naman ay ginaganahan
D:
Tila sa usapin ikaw yata’y naliligaw
Engineering ang isipin huwag kaligtaan
Pag-inom ng memo plus baka gustong subukan
Nang sa iyong mga pahayag, tuntunin ay di malimutan
Pagmamasa ng semento kaya ba ng kababaihan?
Pag lagare ng bakal, hindi ba aayawan?
Yan ang Gawain ng inhinyero sa sanlibutan
Na hindi kayang higitan ng halos lahat ng kababaihan
HD:
Tulad ng aking sinabi tayo’y ginawang pantay
Ng Maykapal na sa ati’y gumagabay
Kaya’t problema ng lalaki’y kayang lutasan
Naming mga babaeng sa kanila’y parehas lang
Kung katawan ang basehan kami’y walang problema dyan
Konting pagsasanay lang, kayo’y kaya ng pantayan
Iyan ay napatunayan ng kababaihan
Kahit mga inhinyerang nakatapos iyo pang titingnan
D:
Ngunit sa ating kultura’y may nakasanayan
Na inhinyera’y sa lalaki lang nakalaan
Pagka’t kapasidad naming ay angkop lamang
Sa gawaing mabibigat na kritikal kung pag-isipan
HD:
Walang problema kung kultura’y pag-uusapan
Ito’y dinamiko at madaling nagbabago
Sapagkat tayo naman ngayon ay nasa mundo
Kung saan nakaraa’y tinatapon lahat ay bago
Kaya’t kababaihan ngayo’y lumalaban
Sapagkat kanilang batid kanilang kahalagahan
Dito sa mundong mabilis ang kaunlaran,
Na nangangailangan ng metikolosong isipan
Sa paggawa ng disenyo dapat ay henyo
Lalo na’t kung ang kurso ay pang inhinyero
Kababaihan, angkop lamang sa gawaing ito
Sapagkat kami ay mga metikoloso
D:
Ngunit tignan ang mag-aaral sa Matematikong klase
Di ba’t mas matalino ang lalaki kaysa babae?
Tunay laman sa ati’y nagsasabi
Na mas kritikal mag-isip kaming mga lalaki.
HD:
Hindi umiikot ang mundo para lang sa Matematiko
Dapat din bigyan ng pansin ang mga salitain
At diyan natin makikitang magaling
Ang mga kababaihang inhinyero natin.
D:
Ngunit ito’y angkop sa mga lalaki!
HD:
Pero kaya rin naman ito pantayan ng mga babae!
D:
Dapat itong ipagpatuloy!
HD:
Dapat itong ipagbawal!
L:
Tumigil na kayong dalawang umuusok ang tuktok
Akin na itong tatapusin bago pa tumikim ng suntok
Taumbayan kung kayo’y naririyan
Atin naman silang bigyan ng masigabong palakpakan
Upang ang kaguluhan ay ating mawakasan
Palakpakan si _____________ kung hindi pantay na pagtingin ay nararapat
Kung sa tingin niyo naman ito ay di dapat
Inyo namang palakpakan itong ating katapat.
Ngayo’y tapos na ang palakpakan oras na para timbangin
Kung sino sa dalawa ang aking dapat piliin.
Sa aking tingin ang dapat lang na sabihin
Ay si ______________ na dapat ang piliin
Muli natin silang paularan!
Malutong na palakpakan!
No comments:
Post a Comment